Inihayag ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na karagdagang 79 na distressed overseas Filipinos ang naiuwi ng Embahada ng Pilipinas sa pakikipagtulungan ng Department of Foreign Affairs (DFA) mula Vietnam.
Ayon sa DFA lumapag ang Commercial Flight ng Philippine Airlines PR592 mula Tan Son Nhat Airport sa Ho Chi Minh City lulan ang mga naturang Pinoy.
Sila ang mga Pinoy na nawalan ng hanapbuhay sa Vietnam dahil sa epekto ng COVID-19.
Paliwanag ng DFA bago ang pinakahuling repatriation na ito, naiuwi na ng embahada ang 378 overseas Filipinos at may kabuuang 847 manggagawang Pinoy mula nang magsimula ang COVID-19 pandemic.
Bahagi pa rin ng pagsisikap ng Philippine Embassy at sa tulong ng Immigration Department of the Ministry of Public Security at Ministry of Foreign Affairs of the Socialist Republic ng nasabing bansa.