79 na Nagpositibo sa COVID-19, Nakarekober sa Sakit

15

Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng mataas na bilang ng gumaling sa COVID-19 ang probinsya ng Isabela.

Sa tala ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, Pebrero 16, 2021, pitumpu’t siyam (79) ang naitalang gumaling sa probinsya na nagdadala ngayon sa kabuuang bilang na 4,414 recovered cases.


Bumaba naman sa pito (7) ang bagong tinamaan ng COVID-19 na kung saan dalawa (2) ang naitala sa Santiago City at tig-isa (1) sa mga bayan ng Delfin Albano, Quezon, Sto. Tomas at sa Lungsod ng Cauayan at Ilagan.

Mayroon na lamang 377 aktibong kaso ng COVID-19 ang Isabela mula sa 4,885 total confirmed cases.

Umaabot naman sa siyamnapu’t anim (96) ang naitalang nasawi na may COVID-19.

Mula sa bilang ng aktibong kaso 340 rito ay Local Transmission, labing pito (17) na health worker, labing dalawa (12) na pulis at walong (8) Locally Stranded Individuals (LSIs).




Facebook Comments