79% ng COVID-19 ICU beds sa mga ospital, okupado na – DOH

31

Okupado na ang 79% ng 1,400 Intensive Care Unit (ICU) beds sa National Capital Region (NCR) para sa mga pasyente ng COVID-19.

Batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), 77% ito ng kabuuang 4,200 kama sa mga ospital sa bansa.


Maituturing naman itong nasa ‘high risk’ level dahil mahigit na ito sa 70% pero hindi lalagpas sa 85%.

Samantala, umabot na sa 74% ng 16,000 ward beds sa bansa ang nagamit na kung saan 74% din ng 4,500 ward beds ay nasa NCR.

Umabot naman sa 57% ng 3,200 mechanical ventilators ang nagamit kung saan 62% ng 1,200 ay nasa NCR.

Facebook Comments