7,900 doses ng AztraZeneca na binili ng Pasay LGU, dumating na

33

Inihayag ni Pasay City Mayor Emi Rubiano-Calixto na umaabot na sa 7,900 doses ng AstraZeneca ang partial na dumating sa bansa na binili ng Local Government Unit (LGU) bahagi ng kanilang in-order na 275,000 na doses ng bakuna.

Ayon sa alkalde, malaking tulong ang naturang bakuna upang tuluyan nang makausad ang kanilang lungsod dulot ng pandemya.


Paliwanag pa ng alkalde na dapat magkaisa na ang kaniyang mga nasasakupan na higpitan ang pagbabantay sa kanilang bayan upang hindi makapasok ang tinatawag na Delta variant.

Hinikayat din ng alkalde ang kaniyang mga nasasakupan na maging mapagmatyag at i-report kung mayroon na-monitor na mga bagong salta sa kanilang mga barangay lalong-lalo na ang mga galing sa abroad.

Facebook Comments