Philippine Embassy sa Thailand, puspusan na ang paghikayat sa mga Pinoy doon na magpabakuna sa harap ng Delta variant

85

Puspusan na ang paglulunsad ng Philippine Embassy sa Bangkok, ng COVID-19 vaccine registration para sa mga Pilipino sa Thailand.

Sa harap ito ng patuloy na paglobo ng kaso ng Delta variant sa nasabing bansa.


Nanawagan ang embahada sa mga Pinoy doon na samantalahin na ang vaccination program ng Thai government sa harap ng pagkalat ng nasabing variant sa ilang bansa sa Asya.

Una nang kinumpirma ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) na marami silang natatanggap na reklamo sa email mula sa mga Pinoy doon hinggil sa mabagal na pag-rollout ng bakuna sa Thailand.

Ayon sa POLO, sa ngayon ay patuloy rin naman ang pagpapapasok ng Pinoy workers sa Thailand.

Facebook Comments