793 Bangsamoro farmers,mabigyan ng titulo sa BARMM

Abot sa 793 Bangsamoro farmers ang pormal nang nag-may-ari ng lupa.

 

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nanguna sa pamamahagi ng Certificates of Landownership Awards o CLOAs.

 

Nasa kabuuang 1,742 hectares ang naipamahagi sa mga farmer-beneficiaries sa mga munisipalidad ng Basilan, Maguindanao, at Tawi-Tawi.


 

Ayon kay Department of Agrarian Reform Secretary John  Castriciones, ito ang kauna-unahang CLOA distribution sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa ilalim ng Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform o MAFAR.

 

Apat na BARMM agrarian cooperatives ang ang napagkalooban ng farm machineries at mga punla sa ilalim ng Climate Resilient Farm Productivity Support program of DAR.

Facebook Comments