7 am to 4 pm adjusted working schedule, ipapatupad sa Muntinlupa sa ika-2 ng Mayo

Naglabas ng advisory ang lungsod ng Muntinlupa hinggil sa pagpapatupad ng 7 am to 4 pm schedule sa darating na May 2.

Layunin ng polisiyang ito na mabawasan ang mga nagko-commute o bumabiyahe during rush hour.

Exception naman dito ang offices na nagbibigay ng frontline services batay sa Civil Service Commission Memorandum Circular No. 12 series of 2008.


Kaakibat nito, mananatili ang operasyon ng skeletal force sa pagitan ng 8 am to 5 pm, upang mabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na makipag-ugnayan sa nasabing mga oras.

Mananatili rin sa 8 am to 5 pm schedule ang peace and order offices at ang mga health center.

Facebook Comments