8.6-M na halaga ng Marijuana plants, pinagsisira sa Kalinga Province

32

43,000 na mga fully grown marijuana plants at 400 gramo ng Cannabis products ang pinagsisira ng mga pulis sa apat na plantation sites sa tatlong araw na eradication operation sa Tinglayan, Kalinga.

Ayon kay PNP Chief General Debold Sinas, ang apat na plantation sites kung saan nakuha ang mga marijuana plants ay sa Brgy. Ngibat, Tinglayan, Kalinga.


Umaabot sa halagang 8,648,000 milyong piso ang mga pinagsisirang marijuana plants at cannabis products.

Tiniyak ni PNP Chief na magpapatuloy ang marijuana eradication operation nationwide upang mahinto na ang pagtatanim ng iligal na marijuana plants.

Siniguro din ni Sinas na sasampahan ng kaso ang mga naarestong mga nagtatanim nito.

Facebook Comments