Ang acupressure ay isang paraan upang makatulong na maibsan ang iba’t-ibang sakit o kondsiyon na nararamdaman sa katawan. Sa pamamaraang ito, may tinatawag na mga “pressure points” sa iba’t-ibang parte ng katawan na kailangan pindutin (o minsan ay masahiin) na konektado sa isang partikular na sakit.
Narito ang walo sa mga importanteng pressure points na kailangan mong malaman. Hindi naman siguro masamang malaman ang mga ito at gamitin. After all, 5,000 years of practice ng mga Chinese? Siguro ay walang rason para hindi mo subukan, di ba?
Philtrum (pagitan ng ilong at pantaas na labi)- Nakakatulong sa konsentrasyon, pagkahilo, improves memory, nakakatulong din sa anumang sakit or pain.
Purlicue (pagitan ng hinlalaki at hintuturo)- Para sa sakit sa tainga, Neck pain, stiffness, pananakit ng likod
Pagitan ng una at ikalawang daliri ng paa- improves memory, sakit ng ulo, konsentrasyon at pampasigla
Patella (Ibaba ng tuhod)- tulong para sa pantunaw ng pagkain, pamamaga
Lobule (malambot na parte ng tenga)- nakapagpapatibay ng puso, sakit sa ulo, boost up metabolism
Batok- nakakapagpabawas ng stress, sakit sa ulo, nakakapagpahimbing ng tulog, stiff neck
Likod ng balikat- Back pain, muscle stiffness
Sentido- nakakatulong sa memorya at konsentrasyon, nakakabawas ng stress, improves vision
Puwede mo rin ito gawin kapag naabutan ka sa mga alanganing lugar kung saan wala kang dalang gamot. Masahiin mo lang ang mga nabanggit na parte ng katawan para bumuti ang pakiramdam.