Estudyante sa City of Ilagan, Tinangkang Gahasain ng Isang Construction Worker!

City of Ilagan, Isabela – Tinangkang gahasain ng construction worker kahapon ng gabi ang isang estudyante sa Brgy. Bagumbayan, City of Ilagan, Isabela.

Ang biktima ay itinago sa pangalang Isabelle, labing siyam na taong gulang, at residente ng nasabing lungsod, samantala ang suspek ay kinilala na si Julius Baccay, dalawampu’t anim na taong gulang, walang asawa at residente ng Brgy. San Ignacio, City of Ilagan, Isabela.

Ayon sa imbestigasyon ng City of Ilagan Police Station, pinagtangkaang gahasain umano ng suspek ang biktima habang papauwi sa kanilang bahay ngunit nakatakbo ito at kaagad namang inireport sa himpilan ng pulisya.


Matapos ang isinagawang paghahanap ng kapulisan kay Baccay ay kaagad itong nahuli na sa ngayon ay nasa pag-iingat na ng PNP Ilagan para sa karagdagang imbestigasyon sa nasabing pangyayari.

Facebook Comments