Cauayan City, Isabela-Naramdaman ang halos magkakasunod na aftershocks matapos unang tumama ang magnitude 4.4 magnitude na lindol pasado alas-5:58 ngayong gabi sa bayan ng Ambaguio, Nueva Vizcaya.
Batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tumama ang 3.8 pasado alas-6:03, 1.7 dakong alas-6:34; 1.8 pasado alas-6:52, 1.7 pasado alas-6:53, 1.8 pasado alas-7:01; 1.6 bandang alas-7:15 habang 2.1 naman bandang alas-7:29 at 2.0 pasado alas-7:35 ngayong gabi, March 17, 2021.
Ayon kay PDRRM Officer Robert Corpuz, bagaman pinapanalangin na wala ng kasunod ang mga nasabing paglindol ay naka-standby na ang kanilang opisina maging ang mga heavy equipment ng Provincial Engineering Office at patuloy ring naka-monitor ang kanya- kanyang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Offices ng mga iba’t ibang bayan sa probinsya.
Base sa Provincial Disaster Risaster Risk Reduction and Management Office na siyang nakikipag ugnayan sa PHILVOCS, nakaranas ang Nueva Vizcaya ng 𝗠𝗨𝗟𝗧𝗜𝗣𝗟𝗘 𝗢𝗖𝗖𝗨𝗥𝗘𝗡𝗖𝗘𝗦 𝗢𝗙 𝗘𝗔𝗥𝗧𝗛𝗤𝗨𝗔𝗞𝗘 na nagsimula sa unang paglindol.
Paalala naman ng PDRRMO sa publiko na gawin ang Duck, Cover and Hold na bahagi ng Earthquake procedure.