Mino-monitor ngayon ng Department of Health (DOH) ang walong aktibong kaso ng COVID-19 delta variant sa bansa.
Apat sa kanila ay mula sa Cagayan de Oro; isa sa Misamis Oriental; isa sa Maynila at dalawang returning overseas Filipinos.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni DOH Secretary Francisco duque III na agad na naisailalim sa quarantine ang mga pasyente habang nagkasa na rin sila ng contact tracing.
Samantala, ayon kay Duque, hinihintay pa niya ang pormal na request ng Metro Manila Council (MMC) na irekonsidera ang IATF Resolution No. 125 na nagpapahintulot sa mga batang 5-taong gulang pataas na makalabas ng bahay.
Pero kung siya aniya ang tatanungin, pabor siyang bawiin muna ang resolusyon.
Facebook Comments