Mga Pilipinong atleta, handang handa na sa Tokyo Olympics

57

Handang handa na ang mga Pilipinong atleta na sasabak sa nalalapit na Tokyo Olympics.

Ito ang tiniyak ni Super Liga Chairman at Philippines Athletics Track and Field Association Chairman Philip Juico pero nilinaw din niya na hindi dapat i-pressure ang ating mga atleta.


Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Juico na sapat na ang iwagayway nila ang ating watawat at gawin ang lahat ng kanilang makakaya.

Si Juico ay nagsilbi rin noong chairman ng Philippine Sports Commision.

Samantala, dumating na kahapon ang ilang delegates ng Team Philippines ilang araw bago ang pagsisimula ng Olympics sa Biyernes, Hulyo 23.

Facebook Comments