8 anyos na bata biktima ng rape ng 3 senior citizen sa Upi

Kalaboso ang 64 anyos na lalaki matapos walang awang halayin ang isang grade 2 Pupil sa Brgy. Nangi Upi Maguindanao.

Kinilala ni CIns Erwin Tabora, hepe ng Upi MPS ang naarestong suspek sa pangalang Alfred, walang asawa at awalang trabaho.

Sinasabing byernes ng umaga ng gawin ng suspek, kasama ng dalawa iba pa ang makamundong pagnanasa sa isang 8 year old na grade 2 pupil. Papauwi mula sa kanyang paaralan ang biktimang itinagao sa pangalang Angel ng harangin ng mga suspek at walang awang pinagtulungan pinagsamantalahan sa isang masukal na bahagi ng barangay.


Sa pag-aakalang patay na ang bata ay iniwan ng mga suspek ito. Ngunit himalang nagawa pang makauwi ng biktima at makapagsumbong sa kanyang mga kaanak.

Agad namang nakapagreponde ang mga elemento ng Upi MPS resulta sa pagkakahuli sa isa mga suspect. Habang patuloy na pinaghahanap ang mga 2 kasama pa nito na di umanoy kapwa mga senior citizen.

Sinasabing kilalang manyakis sa kanilang barangay ang nahuling suspek, ilang beses na itong nahuli dahil sa pambubuso bukod pa sa pagsasamntala maging sa mga alagang farm animals kabilang na ang kalabaw, baka at kambing dagdag pa ni CINS Tabora.
Pic: DSV

Facebook Comments