8-anyos na bata, hinalay daw ng sariling lolo at tiyuhin

8377

Inaresto ng pulisya ang isang 75-anyos na lolo sa Baao, Camarines Sur dahil umano sa panghahalay sa 8 taong gulang niyang apo.

Sa bisa ng warrant of arrest, dinampot ng pulisya ang suspek sa kaniyang bahay sa Barangay Antipolo noong Miyerkoles ng hapon.


Ayon sa Baao Municipal Police Station, limang beses na raw ginahasa ng salarin ang menor de edad na biktima na nagsimula pa noong 2019. Tinataon daw nito na naiiwan siya sa bahay kasama ang paslit bago gawin ang krimen.

Pero maliban kay lolo, ginagalaw din umano ng tiyuhin ang kaawa-awang biktima.

Nang makahanap ng tiyempo, nagsumbong na raw ang musmos tungkol sa kahalayan ng ama at kapatid ng sariling ina.

Nauna nang nadakip ng mga awtoridad ang tiyo na sangkot sa kalunos-lunos na insidente.




Mariin naman itinanggi ng mag-ama ang paratang sa kanila.

Nasa kostudiya sila ngayon ng Baao Police habang nahaharap sa kasong rape.

Facebook Comments