8-anyos na bata, kritikal nang matamaan ng bala ng baril sa ulo sa Caloocan City

Caloocan City – Kritikal ang kondisyon sa Tala Medical Hospital ng walong taong gulang na batang estudyante matapos matamaan ng bala ng baril sa ulo sa Caloocan City.

Nakilala ang batang biktima na si Micaela Bagallon.

Ayon kay Caloocan City Police Senior Supt. Jemar Modequillo, ikinasa ng security guard ng National Housing Authority compound sa Barangay 188 na si Florentino Singaya ang kaniyang service firearm sa pag-aakalang wala itong laman.


Pero may laman palang bala ang kaniyang shot gun dahilan para pumutok ito.

Nakaditine na sa Caloocan police si Singaya na naaresto matapos ituro ng construction worker na nakasaksi sa insidente.

Facebook Comments