Mula sa dating 16 na mga bansa na pasok sa red list countries.
Inanunsyo ni Inter-Agency Task Force (IATF) Spokesperson at CabSec. Karlo Alexei Nograles na 8 mga bansa na lamang ito sa ngayon base na rin sa pinakahuling IATF resolution.
Kabilang sa mga bansang pasok sa red list o hindi muna papayagang makapasok sa bansa ang mga byahero na magmumula rito maliban na lamang sa mga OFWs na lulan ng govt-initiated repatriation at bayanihan flights ay ang Andorra, France, Monaco, Northern Mariana Islands, Réunion, San Marino, South Africa, at Switzerland.
Epektibo ito simula bukas, Dec 16- 31, 2021.
Una nang sinabi ng DOH na mayroon silang metrics o mga pinagbabasehan upang maisama ang isang bansa sa red, yellow o green list.
Facebook Comments