Tradisyunal na sabong pwede na! — IATF

481

Pinapayagan na ulit ng IATF ang operasyon ng tradisyunal na sabungan.

Ayon kay Inter-Agency Task Force (IATF) Spokesperson at CabSec. Karlo Alexei Nograles ang pagbabalik operasyon ng traditional cockfighting sa ilalim ng Alert Level 2 ay dapat na walang objection o pagtutol mula sa Local Government Unit (LGU).

Sinabi pa ni Nograles na dapat ay 50% ang maximum venue capacity at ito ay para lamang sa mga fully vaccinated individuals.


Dapat ding lahat ng onsite workers at employees ay fully vaccinated.

Samantala, ang betting ay dapat na cashless at gagamit ng technology-based platforms upang maiwasan ang pisikal na transaksyon o palitan ng pera.

Facebook Comments