8 Barangay sa Dalawang Bayan ng Isabela, Drug- Cleared na

7

Cauayan City, Isabela- Idineklarang Drug-cleared Barangay ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) region 2 ang walong (8) barangay sa dalawang bayan sa Isabela.

Kinabibilangan ng mga barangay Lanting, Vira, San Placido at San Rafael sa Roxas habang Barangay Daligan, Dipangit, Sto. Domingo at Usol sa bayan naman ng Jones.


Sa panayam ng iFM Cauayan kay PMAJ. Edgar Manuel, hepe ng Roxas Police Station, nasa 14 na ang drug-cleared barangay habang may natitira pang limang (5) barangay ang kasalukuyang binabantayan at dalawa (2) naman ang nakapagsumite na ng kaukulang dokumento para sa napipintong pagsasailalim rin sa drug-cleared.

Lima (5) rin aniya ang drug-free barangay na kinabibilangan ng Rang-ayan, Anao, Villa Concepcion, San Pedro at Doña Concha.

Gayunpaman, tinitiyak pa rin ni Manuel ang patuloy na pagbabantay sa kanilang mga nasasakupan upang tuluyan ng maideklarang ‘Drug-Cleared Municipality’ ang bayan ng Roxas.

Facebook Comments