Contact tracing app ng Taguig, gagamitin na rin sa COVID-19 vaccine rollout

78
Photo Courtesy: I Love Taguig Facebook Page

Gagamitin na sa COVID-19 vaccine rollout ng Taguig City ang kanilang contact tracing application na Taguig Registry for Assessment and City Engagements o TRACE.

Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, iisang datos na lamang ang gagamitin para hindi na mahirapan ang mga residente na magparehistro.


Bukod sa bakuna, makakuha na rin ng iba pang health at social services ang mga taga-Taguig gamit ang app sa pamamagitan ng QR code.

Layunin nito na gawing sentralisado ang lahat ng mga datos ng lungsod mula sa contact tracing hanggang sa iba pang serbisyo.

Magugunitang inilunsad ng lungod ang TRACE noong isang taon sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments