8 bayan sa lalawigan ng Cagayan, tinamaan ng ASF ayon sa DA

Walong bayan sa lalawigan ng Cagayan ang tinamaan ng African Swine Fever (ASF).

Sa virtual presser sa DA, sinabi ni Bureau of Animal Industry (BAI) Director Ronnie Domingo, apektado rito ang 18 na mga barangay at abot na sa 188 na baboy ang pinatay at agad na inilibing bilang bahagi ASF protection procedure.

Ipinahinto pansamantala ng provincial government ng Cagayan ang movement ng pork products bilang preemptive measure.


Ayon kay Domingo, muling tumaas ang kaso ng ASF matapos na luwagan ang mga ipinatupad na community quarantine.

Hinigpitan na ang pagbabantay sa mga checkpoints sa Cagayan, habang bantay-sarado ang mga border nito sa kalapit na lalawigan upang masigurong walang maipupuslit na karneng baboy na infected ng ASF.

Ang mga magbabyahe ng buhay na hayop ay hinahanapan ng kaukulang dokumento.

 

Bawat apektadong backyard raisers sa Cagayan ay tumanggap ng mula ₱3,000 hanggang ₱5,000 na tulong pinansyal.

Facebook Comments