8 BIFF patay sa airstrike sa Maguindanao

Walo ang patay habang lima ang sugatan sa panig ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) sa inilunsad na airstrike ng militar sa bahagi ng sitio Makon barangay Iginagampong sa bayan ng Datu Unsay sa lalawigan ng Maguindanao kahapon ng madaling araw. Ayon kay Lt.Col Gerry Besana, Battalion Commander ng Civil Military Operation (CMO) ng 6th Infantry Division itoy paghihiganti lamang ng mga sundalo sa pagsalakay ng tinatayang 40 miembro ng BIFF sa detachment ng 57th IB sa sitio Makun , barangay Iginagampong sa Datu Unsay kung saan ay tatlong kabahayan na pag aari ng mga katutubongTeduray ang sinunog ng mga rebelde.
Inako naman ng tagapagsalita ng BIFF na si Abu Misry Mama ang pagsunog ng kanilang kasamahan sa tatlong kabahayan. Ginawa nila ito dahil nais nilang bawiin ang dati nilang kuta sa ilalim ng pamumuno noon ng namayapang si Ustadz Ameril Umrah Kato.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments