8 Chinese nat’l, arestado dahil sa online illegal gambling sa Makati

32

Makati City – Inaresto ng mga awtoridad ang 8 Chinese national dahil sa kasong illegal online gambling sa San Lorenzo Village sa Makati.

Sinalakay ng mga awtoridad ang bahay sa bisa ng search warrant na inisyu ng Makati City Regional Trial Court Brach 36 kung saan 20 katao ang target ng operasyon.

Pero iilan lang ang nadatnan ng mga pulis sa bahay.

Sasampahan ang mga Chinese ng paglabag sa Cybercrime Prevention Act.

Facebook Comments