Babae, huli matapos tangkaing mangdukot ng bata sa Pasig

34

Pasig City – Arestado ang isang babae matapos umanong tangkaing dukutin ang tatlong taong gulang na lalaki sa Barangay Sumilang, Pasig City.

Base sa imbestigasyon ng Pasig Police, nakatayo noon malapit sa kanilang bahay ang bata nang tangayin ng suspek.

Mabuti na lang nakita ng tanod ang suspek habang bitbit nito ang batang umiiyak.

Naalarma umano ang tanod kaya minanmanan ang suspek hanggang sa magkatitigan sila at bigla na lang binaba ng suspek ang bata.

Dito na hinuli ng mga taga-barangay ang suspek at dinala sa Police Station.

Giit naman ng ina ng suspek, may problema sa pag-iisip ang anak.

Mahaharap ang suspek sa kasong kidnapping.

Facebook Comments