8 Dating Rebelde, Tumanggap ng Tulong Pangkabuhayan

Cauayan City, Isabela- Nakatanggap ng tulong pangkabuhayan ang walong (8) dating kasapi ng New People’s Army (NPA) na sumuko sa 86th Infantry Battalion ng Philippine Army sa ilalim ng programa ng Department of Trade and Industry (DTI) Isabela.

Ang pamamahagi ng tulong pangkabuhayan sa mga walong dating rebelde ay dati ng programa ng gobyerno para mabawasan ang kahirapan at mabigyan sila ng tulong at bilang kapalit na rin ng kanilang ginawang pagsuko at pagtalikod sa pinasok na kilusan.

Ang walong dating rebelde ay nakatanggap ng carpentry tools sa ilalim ng Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (PPG) program ng nasabing ahensya.


Pinangunahan naman ni Ms. Lenore Lee Lopez, Division Chief Business Development of DTI Isabela kasama si LTC Ali Alejo INF (GSC) PA, Commanding Officer ng 86th IB ang pamimigay ng nasabing tulong sa mga sumukong rebelde.

Facebook Comments