Manila, Philippines – Ipatutupad ng telecommunication and digital service provider na Philippine Long Distance Company o PLDT ang 8-digit landline number sa lahat ng telepono sa greater Metro Manila area.
Ito ay alinsunod sa Memorandum Order no. 10-10-2017 ng National Telecommunications Commission (NTC).
Nakasaad sa memo, ang lahat ng 7-digit number na nakapaloob sa local exchange area code na “02”, tulad ng Metro Manila, ilang bahagi ng Bulacan, Cavite at Laguna ay papalitan na ng 8-digit number.
Para sa PLDT users, isa pang number “8” ang madadagdag sa kasalukuyan landline number.
Sisimulang ipatupad ito sa March 18.
Nag-abiso rin ang PLDT na magkakaroon ng service downtime sa pagitan ng alas-12:00 ng hatinggabi hanggang alas-5:00 ng umaga sa nabanggit na petsa.
Inirekomenda rin ng telco ang paghahain ng request bago mag-Marso para matiyak ang proper set-up at maiwasan ang delays.