Walong drug suspect ang natimbog matapos mahuli sa aktong pagbebenta ng hinihinalang droga na may kabuuang halaga na ₱204,000.00 sa magkakahiwalay na buy-bust operations sa Quezon City.
Batay sa ulat ng Holy Spirit Police Station 14, arestado sina Randel Allid, alias “Bian”, 43; Elizar Arojado, Jojit Mesa, 44 at Rolando Sioco, 47.
Nakatanggap ng impormasyong ang Holy Spirit Police Station 14 mula sa isang confidential informant hinggil sa pagkakakasangkot ni Allid sa mga gawaing may kaugnayan sa pinagbabawal na droga.
Isang operasyon ang isinagawa sa Batasan Rd., Garcia Heights, Brgy. Holy Spirit, Quezon City na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek.
Nasamsam mula sa mga suspek ang dalawampung gramo ng ‘di umanong shabu na tinatayang ₱136,000.00, isang coin purse, at ang perang ginamit sa transaksyon.
Ikinasa naman ng Galas Police Station (PS 11) ang isang buy-bust operation sa kahabaan ng Union Civica St., Brgy. San Isidro, Quezon City.
Nag-resulta sa pagkakahuli ng mga suspek na sina Ronald Gabion, Romulo Cariaso, alias “Mulong”at Jefferson Angeles, alias “Pacman”.
Nakumpiska mula mga suspek ang tinatayang sampung gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang ₱68,000.00, isang telepono, isang coin purse, at ang perang ginamit sa transaksyon.