8 Estudyante mula UPLB na Dinala sa City of Ilagan, Walang Sintomas ng COVID-19!

258

Cauayan City, Isabela- Nasa maayos na kalagayan at walang nakitang anumang sintomas ng Coronavirus Disease (COVID-19) ang walong (8) estudyante na kabilang sa 58 na umuwi mula sa UPLB.

Ito ang kinumpirma ni Ginoong Ricky Laggui, General Services Officer ng City of Ilagan sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa kanya.

Kasalukuyang nasa quarantine facility sa isang hotel sa Lungsod ang 8 estudyante at nasa mabuting kondisyon.

Iginiit na wala ring dinala sa ospital na nakitaan ng COVID-19 symptoms at strikto aniya ang City health office sa lahat ng mga dumarating galing sa ibang lugar lalo na sa mga areas na nasa ECQ pa rin.

Nilinaw ni Ginoong Laggui na agad idineretso sa quarantine facility sa Lungsod ang walong estudyante para sa kanilang 14-days mandatory quarantine matapos masundo ng LGU Ilagan sa Dau terminal.

Facebook Comments