8-ft python, natagpuang nakapulupot sa leeg ng isang babae

OXFORD, INDIANA – Patay na nang makita ang 36-anyos na babae sa loob ng kanyang tahanan habang pinupuluputan ng isang python sa leeg na may habang 8-foot Miyerkules ng gabi, Okt.30.

Ayon sa ulat, natagpuan ni Benton County Sherriff Don Munson bandang alas 9:00 ng gabi si Laura Hurst, na bangkay na sa pagmamay-ari nitong bahay na naglalaman ng 140 iba pang mga ahas.

Si Munson ay isang snake breeder na kapitbahay lamang ni Hurst at nagmamay-ari ng tinutuluyan nito.


Kwento ni Munson, nagawa pa raw niyang matanggal ang ahas ngunit hindi na nagawang mailigtas paang biktima.

Sabi naman ni Sgt. Kim Riley, Indiana State Police spokesman, “She appears to have been strangled by the snake.”

Hindi pa malinaw kung ano ang koneksyon ni Munson sa biktima ngunit patuloy naman ang pakikipagtulungan nito sa imbestigasyon.

Facebook Comments