
Nasabat ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang walong illegal firearms sa isinagawang law enforcement operation sa Barangay Castañas sa Sariaya, Quezon.
Naaresto ang isang 37-anyos na lalaki sa bisa ng search warrant kaugnay ng kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Narekober ng mga awtoridad ang iba’t ibang klase ng pistol, revolver, at shotgun, kasama ang mga bala at iba pang accessories nito.
Kaugnay nito, dinala ang lahat ng nakumpiskang baril sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Quezon Provincial Forensic Unit para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.
Facebook Comments










