8 INDIBIDWAL, SUGATAN MATAPOS MABAGSAKAN NG BATO ANG SINASAKYANG JEEP

Cauayan City – Sugatan ang walong indibidwal kabilang na ang dalawang menor-de-edad at isang sampung buwan na bata matapos mabagsakan ng bato ang jeep na sinasakyan ng mga ito sa Brgy. Mauanan, Rizal, Cagayan kahapon, ika-10 ng Oktubre.

Ayon sa ulat, galing umano ang mga biktima sa bayan ng Tuao, Cagayan sakay matapos magbenta ng mais nang bigla na lamang mabagsakan ng bato na galing sa bundok ang sinasakyan nilang jeep.

Dahil dito ay hindi nakontrol ng tsuper ang manibela ng dahilan upang mahulog ito sa bangin.


Kaagad namang isinugod sa pagamutan ang mga biktima upang lapatan ng lunas kung saan tatlo sa mga ito ang kaagad rin na-discharge, habang ang limang pasyente kabilang ang 2 menor-de-edad at 10 buwang gulang na bata ay inilipat naman sa pagamutan sa Tuguegarao City, Cagayan.

Facebook Comments