8 kalalakihan, arestado matapos magrambulan sa Cubao, Quezon City

Quezon City – Arestado ang walong kalalakihan matapos magrambulan habang nag-iinuman sa Pinatubo Street, Cubao, Quezon City.

Nagsisigawan pa ang walong magbabarkada nang dalhin sila ng mga otoridad sa Quezon City Police District Station 7.

Ayon sa pagsasalaysay ng isa sa mga miyembro ng grupo na si Manuel Burais, magkaroon ng initan sa pagitan ng grupo nila at isa pang grupo ng mga kalalakihan kaya’t nagkasuntukan at nagkabatuhan pa sila ng bote.


Sa kalagitnaan ng rambol ay mayroong isang lalaking na nagbibisikleta na inakala ng mga kasamahan ni Burais na siyang sumuntok dito.

Kaya naman pinunterya ng mga ito ang bisikleta ni Christopher Gener kung saan giit nito na nadamay lamang siya sa gulo ng dalawang grupo at ang tanging gusto lamang ay mapaayos ang nasira niyang bisikleta.

Facebook Comments