8 Katao, Arestado sa Pagsusugal!

123

Cauayan City, Isabela- Hindi nakapalag sa mga otoridad ang walong (8) indibidwal matapos matiklo sa pagsusugal sa magkahiwalay na lugar sa Lalawigan ng Isabela.

Unang naaresto ng PNP San Mariano ang limang (5) katao na sina Betty Aquin, 44 anyos, Alfredo Albano, 63 anyos, Alex Dela Cruz, 44 anyos, Rogelio Magno, 72 anyos, Mercy Velasco, 49 anyos, na pawang mga residente ng Sta. Filomena, San Mariano, Isabela habang nakatakas naman ang isa pa sa kanilang kasamahan na si Ben Fallorina, 55 anyos na residente rin ng nabanggit na lugar.


Nahuli ang mga ito matapos maaktuhan sa paglalaro ng “Tong-its” kung saan ay nakumpiska sa mga ito ang dalawang (2) set ng baraha, pera na mahigit dalawang libong piso, 2 lamesa at 4 na upuan.

Samantala, dinakip rin ng PNP Alicia ang tatlong lalaki dahil sa paglalaro ng Tong-its na sina Kenneth Mark Mapoy, 29 anyos, negosyante, Rolando Perez, 50 anyos, Richard Aquino, 36 anyos, na pawang mga residente rin ng Brgy. Sto Tomas, Alicia, Isabela.

Nakumpiska sa tatlong suspek ang isang set ng baraha at bet money na nagkakahalaga ng P222.00.

Dinala sa himpilan ng pulisya ang mga naaresto para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.




Facebook Comments