8-M doses ng Bharat COVID vaccines, darating sa bansa sa Mayo

Nakatakdang dumating sa bansa ang 8-M doses ng anti-COVID-19 vaccines na Bharat Biotech ng India sa katapusan ng buwan ng Mayo.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Philippine Ambassador to India Ramon Bagatsing na nagkakahalaga ng 15-20 dollars kada dose ang bakuna ng Bharat na binili ng gobyerno at ng pribadong sektor.

Nabatid na nabigyan na ng Emergency Use Authorization (EUA) ng Food & Drug Administration (FDA) ang Bharat Covaxin na nangangahulugang pwede na itong gamitin dito sa Pilipinas.


Batay sa evaluation ng FDA, nasa 92 hanggang 95% ang efficacy rate ng Bharat.

Samantala, ang 30 milyong doses namang bakuna ng Novavax na gawa ng Serum Institute of India ay inaasahang mai-de-deliver sa huling bahagi ng taong kasalukuyan.

Facebook Comments