Bilang ng mga naka-admit sa PGH na COVID patients, nabawasan na

Mula sa 230 kahapon, 212 na lamang ang bilang ng COVID-19 patients na naka-admit ngayon sa Philippine General Hospital (PGH).

Ang bahagyang pagbaba ng mga naka-admit na COVID patients ay sa harap ng pinaiiral na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan .

Samantala, bukod sa mga pasyente, bumaba na rin ang bilang ng healthcare workers ng PGH na na may active COVID cases.


Facebook Comments