8 months old baby sa Nueva Vizcaya, Positibo sa COVID-19

33

Cauayan City, Isabela- Nagpositibo sa COVID-19 ang isang walong buwan na batang lalaki mula sa Bayan ng Solana, Nueva Vizcaya.


Ayon sa DOH Region 2, nagkaroon ng pagbiyahe ang bata nito lamang July 30 kasama ang kanyang mga magulang mula sa Valenzuela City.

Nakuhanan ng specimen sample ang bata nitong Lunes, August 3 at ngayon lumabas ang resulta na positibo ito sa virus habang ito ay nananatiling asymptomatic.

Kabilang din ang tatlong (3) taong gulang na batang lalaki na positibo sa sakit mula naman sa Bayan ng Gamu, Isabela.

Ayon sa ulat, nagkaroon ng pakikisalamuha ang bata sa naunang nagpositibo sa sakit na si CV 311.

Kinumpirma naman ng DOH na nasa maayos na sitwasyon ang mga bata na patuloy na inoobserbahan sa isolation facilities ng ospital.

Facebook Comments