Kawani ng barangay, arestado sa pagbebenta, pamemeke ng travel pass

236
PHOTO FROM SAN JUAN CITY MAYOR FRANCIS ZAMORA

Inaresto ang isang barangay official ng San Juan City nitong Linggo dahil umano sa pamemeke ng travel pass na kaniyang ibinebenta.

Kinilala ang suspek na si Leonardo Puno, 39 taong gulang, liason officer ng Barangay West Crame.


Ayon kay Col. Jaime Santos, hepe ng San Juan Police, nagkasa sila ng operasyon laban dito matapos makatanggap ng reklamo mula sa isang concerned citizen kaugnay ng iligal na gawain ng opisyal.

Nakumpiska kay Puno ang mga pekeng travel pass na ayon sa pulisya ay hindi nababasa ang QR code.

Aminado naman ang salarin sa nagawang krimen at sinabing may kakilala siyang gumagawa ng pekeng travel at quarantine pass na naka-destino sa Recto Avenue sa lungsod ng Maynila.

Hindi raw bababa sa 20 katao ang nabentahan niya ito. Mahaharap ang kawani sa kasong falsification of public documents.




Nilinaw naman ni Santos na tanging mga pulis lamang ang dapat maglabas ng travel authority.

Facebook Comments