8 oras na brownout, mararanasan sa tatlong bayan sa Bataan

Bataan – Walong oras na mawawalan ng suplay ng kuryente ang tatlong bayan dito sa Bataan sa darating na Biernes, Hunyo a treinta.

Ayon sa Penelco ito ay mula alas nueve hanggang alas singko ng hapon sa mga bayan ng Hermosa Orani at Samal.

Ang naturang power interruption ay bunsod ng pagpapalit ng mga nabulok na wooden posts sa mga naturang bayan.


Facebook Comments