Mani
Ito ay nagtataglay ng vitamin E na nakakapagpatalas ng isip at omega-3 at omega 6-fatty acids na mahalaga para sa utak at nervous system.
Broccoli
Nakakatulong ito para sa maayos na daloy ng dugo sa katawan na kinakailangan ng ating utak para makapag-isip ng maayos. ito din ay tinatawag na Super food para sa ating katawan.
Rosemary, Spinach at Whole Grains
Ito ay nakakatulong upang magkaroon ng matalas na memorya.
Itlog
Nagtataglay ng isang kemikal na kung tawagin ay choline na kailangan ng mga bata upang ma-develop ang kanilang memorya at utak.
Avocado
Mayroon itong vitamin B, healthy fats, omega-3, at omega-6 fatty acids na nakakatulong upang mapagnda ang daloy ng dugo sa ating utak.
Coconut oil
Nagtataglay ng glucose na iniiwan sa ating utak.
Blueberries
Isang antioxidants na tumutulong upang ma-relieve ang stress na nagiging sanhi ng memory loss.
Kape
May sangkap ito na antioxidants at caffine na nakatutulong upang maiwasan ang Alzheimer’s disease at paghina ng kaisipan. maaaring uminom ng 1 o 2 tasang kape sa isang araw.
Article written by Nicol Francis Abuacan