ARESTADO | 4 na Chinese nationals, huli matapos nilang dukutin ang kanilang kababayan

Pasay City – Arestado ang apat na Chinese nationals sa ikinasang operasyon ng mga pulis sa Pasay City.

Nakilala ang apat ang mga suspek na sina: Wu Ping, Wang Xin Nong, Wie Wang at Wu Luo na mga nakatira sa Binondo, Manila.

Batay sa report ng Southern Police District (SPD), dinukot ng mga suspek ang kanilang kababayan na si Xiao Jie, 25-anyos, cashier at tumutuloy sa isang residential resort sa Pasay.


Ang nasabing insidente ay ini-report sa pulisya ng kaibigan ng biktima na si Zhinkun Guo isang casino agent.

Nabatid na humiling ang mga suspek ng P470,000 kapalit ng kalayaan ng biktima.

Kasong kidnapping at serious illegal detention ang isasampang kaso laban sa apat na Chinese.

Facebook Comments