8 pang terorista, nagtatago sa Pilipinas ayon sa AFP

Tinatayang walong terorista pa ang nagtatago sa Pilipinas na mahigpit na binabantayan ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay AFP Chief of Staff Lt. Gen. Gilbert Gapay, kasalukuyan pang nasa bansa ang banta ng suspected militias na nakapasok sa pamamagitan ng backdoor at ‘very porous’ na border sa katimugan.

Maliban sa walo, binabantayan din ang 29 suspek na iniuugnay sa regional extremist groups.


Sa ngayon, target ng AFP na tapusin at ubusin ang Abu Sayyaf Group sa bansa sa katapusan ng taon habang pagsapit naman ng 2022 ang problema sa mga local terrorist groups.

Facebook Comments