8, patay; higit 60 sugatan; halos 3,000 katao, apektado ng magkakasunod na lindol sa Batanes

Umabot na sa walo ang patay at 63 ang sugatan sa pagtama ng serye ng mga lindol sa Itbayat, Batanes nitong Sabado.

Nabatid na magnitude 5.4 na lindol ang unang naramdaman na sinundan na magnitude 5.9 at sumunod ang aftershock na magnitude 5.4.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), aabot na sa 2,963 na katao o 911 pamilya ang apektado habang may isang naiulat na nawawala.


Aabot sa 15 bahay, dalawang eskwelahan at dalawang health facilities ang napinsala.

Nagpadala na ang Department of Health (DOH) ng seven-man trauma medical team para sa stress debriefing para sa mga biktima ng lindol.

Isinailalim na rin sa red alert status ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para i-monitor ay magbigay ng tulong.

Nagpaabot na ng pakikiramay ang Malacañan sa mga kaanak ng mga nasawi sa lindol.

Facebook Comments