Lotto operations ng PCSO, hindi sana isinama sa mga ipinasara – Lacson

Suportado ni Senator Panfilo Lacson ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipasara ang operasyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dahil sa malawakang korapsyon.

Bagamat pabor siya rito, iginiit ni Lacson na hindi dapat isama ang lotto sa ipinasara.

Diin pa ni Lacson na wala namang reports ng revenue cheating sa lotto operations dahil computerize at automated ito.


Mahigpit ding binabantayan ang lotto, hindi tulad ng Small Town Lottery (STL) na hindi transparent.

Kung ang intensyon ay matigil ang gambling, dapat tutukan ang lahat ng uri ng gambling, pati ang pagcor-regulated games tulad ng casino at online.

Facebook Comments