Kinumpirma ng Manila International Airport Authority (MIAA) na nasa walo ang namatay sa isang eroplanong nagliyab sa isang runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) pasado alas-8:00 kagabi.
Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, magsasagawa sana ng medical evacuation ang west wind 24 aircraft papuntang Haneda, Japan.
Lulan ito ng anim na pilipino na pawang mga crew, isang amerikano at isang canadian.
Hindi pa niya maaaring isapubliko ang pangalan ng mga nasawi habang nakikipag-ugnayan pa sa pamilya ng mga ito.
Hindi naman kinumpirma o itinanggi ni monreal kung ang pasyenteng sakay ng eroplano ay mayroong COVID-19.
Samantala, ang runway 0624 kung saan nangyari ang aksidente ay magagamit at madadaanan na ng iba pang eroplano matapos magsagawa ng clearing operations.