8, patay sa lindol sa Batanes

Kinumpirma ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad na 8 na ang patay habang 60 ang sugatan sa nangyaring magnitude 5.4 na lindol kaninang pasado alas 9:00 ng umaga sa Itbayat, Batanes.

Sinabi ni Jalad sa ngayon ay pinayuhan na ang mga residente sa Itbayat, Batanes na manatili sa labas ng kanilang bahay partikular sa plaza at multi-purpose halls para maging ligtas sa posibleng aftershocks.

Nagpadala na aniya ang Armed Forces of the Philippines ng c295 aircraft upang matulungan ang mga residente sa Itbayan, Batanes.


 

Facebook Comments