Mga nasawi at nasugatan sa lindol na tumama sa Itbayat, Batanes, kinilala na

Nagpapatuloy ang search and rescue operations sa Itbayat, Batanes na tinamaan ng dalawang malalakas na lindol kaninang umaga.

Nakilala na rin ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng ilan sa mga nasawi at sugatan sa pagtama ng Magnitude 5.4 at 5.9 na lindol.

Batay sa ulat ni Police Regional Office 2 Director P/B Gen. Jose Mario Espino, nakilala ang 4 sa mga nasawi na sina Genward Mina, Eva Valiente, Mary Rose Valiente at Fiona Valiente.


Habang ang ilan sa mga sugatan ay kinilalang sina Dionisa Mirabueno, Edward Dita, Althea Manzo, John John Valiente, Gina Valiente, Luning Valiente, Rose Ann Manzo, Lloyd Libaton at Nonisa Balanoba.

Pangamba ni Espino, posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga nasawi at sugatan dahil patuloy pa rin ang search and rescue operations lalo’t dalawang malalakas na lindol ang yumanig sa lugar.

Batay naman sa latest update ng NDRRMC, nasa 8 na ang kumpirmadong nasawi.

Facebook Comments