8 Pilipinong gumaling na sa Delta variant, muling nagpositibo sa COVID-19

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng walo pang aktibong kaso ng Delta variant matapos ang isinagawang RT-PCR retesting.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, una nang naiulat na nakarekober ang mga ito pero ng muling isinailalim sa RT-PCR test, sila ay nagpositibo sa COVID-19.

Aniya, apat sa mga ito ang mula sa Cagayan de Oro, tig-isa mula sa Maynila at Misamis Oriental habang dalawa ang Overseas Filipino Workers (OFWs) na kakauwi lang sa bansa.


Lahat aniya sila ay walang sintomas at mino-monitor hanggang matapos ang 14-day quarantine.

Facebook Comments