8 Pinoy, pasok sa “30 Under 30 Asia” ng Forbes

Pasok sa “30 Under 30 Asia” ng Forbes ang walong Pilipino para sa listahan ng top young entrepreneurs at change-makers ngayong taon.

Kasama sa listahan ang 300 Millenials at Gen-Zs na nagawang maka-survive at nagpursigeng magtagumpay sa kani-kanilang mga larangan sa kabila ng mahabang lockdown.

Ang listahan ay binubuo ng 30 honorees sa kada kategorya – Arts; Consumer Technology; Enterprise Technology; Entertainment and Sports; Finance & Venture Capital; Healthcare & Science; Industry; Manufacturing & Energy; Media, Marketing & Advertising; Retail & E-Commerce; Social Entrepreneurs.


Kabilang sa mga Pilipinong nakapasok sa listahan sina:

1. Guendoline Rome Viray Gomez “No Rome”, 23, musician, ang kauna-unahang Filipino artist na tumugtog sa influential music festival
2. Carmina Bayombong, 27, Co-founder of Invested Philippines na nagbibigay ng educational loan sa mga estudyante
3. Edward Christopher Dee, 28, Researcher, Dana-Farber Cancer Institute, nagsilbi sa COVID-19 task force ng Pilipinas at ginamit ang social media para labanan ang mga fake news tungkol sa virus
4. Rexy Josh Dorado, 28, Co-founder ng Kumu, one of the top-grossing social media apps in the Philippines
5. Angela Chen, 29; Aurelien Chen, 29, Co-founder ng Eskwelabs, isang edtech startup na nakabase sa Manila. Nagbibigay ito ng online courses on data science and analytics na layong makatulong sa mga tao mula sa underserved communities sa bansa.
6. Ryan Gersava, 27, Founder, Vitualahan, nagbibigay ng digital-focused job-skills training para sa mga persons with disabilities at mga taong nagpapagaling mula sa pagiging drug addict. Layon nitong maputol ang employement barriers sa mga kagaya nilang stigmatized people.
7. Gab Mejia, 24, Photographer, layon ng kanyang mga kuhang larawan at articles na magbigay ng kamalayan sa mga tao tungkol sa kalikasan lalo na sa wetlands, endangered wildlife at indigenous communities.

Facebook Comments