8 pulis, sugatan matapos mahulog ang sinasakyang patrol car sa bangin sa Digos, Davao del Sur

Sugatan ang walong pulis matapos na mahulog ang sinasakyang patrol car sa Sitio Lutangan, Barangay Kapatagan, Digos, Davao del Sur.

Ito ang kinumpirma ni Police Regional Office 11 Spokesperson Major Eudi Gultiano.

Aniya, ang mga pulis na sakay ng patrol car ay mga security escort ng validating team na nasa lugar kaugnay sa isang aktibidad na isinagawa sa Mindanao Police Training Camp sa Digos Davao del Sur.


Ang aktibidad na ito ay dinaluhan din ni PNP Chief General Guillermo Eleazar at nangyari ang aksidente pagkaalis nila.

Ayon pa kay Gultiano, makipot daw ang kalsada sa lugar kaya nawalan ng kontrol sa manibela ang drayber nito pero dahil iniwasan na mabangga sa isa pang kasunod na patrol car kaya nakabig nito ang manibela deretso sa bangin na may lalim na tatlong palapag.

Sa ngayon, nasa ligtas na kondisyon na ang mga sugatang pulis.

Facebook Comments