8 Qualities na Hinahanap ng Babae sa Isang Lalaki

Bilang mga babae, mayroon kaming iba’t ibang katangian na hinahangaan o hinahanap sa isang lalaki na makakapagpatibok ng aming puso.  Maraming klase ng lalaki ang makakasalamuha natin sa araw araw at iilan lamang ang tiyak na tatatak sa amig isipan.

Ito ang iilang katangian ng mga lalaki na maaring makabihag sa puso ng mga babae. Again,dahil iba iba rin ang mga babae , merong iba’t ibang hanap na aspeto sa mga lalaki.. May mga babaeng simple lang ang standards at may mga babae namang talagang  pihikan sa pagpili ng kanilang kasintahan.

 

May sense of humor


Ika nga nila, “Funny is the new handsome” totoo ngang daig ng mga kwela  at matatalino ang mga gwapo o machong mga kalalakihan. Sa aking personal na opinion , mas magtatagal ang isang relasyon kung ito ay may open communication. Hindi lang sa feelings kundi sa mga bagay na interesado kayong pagusapan. Masarap magstay sa isang relasyon na masaya. Yung walang dull moment.  Yung tipong anything under the sun ay kaya nyong pagusapan dahil malawak ang inyong mga kaisipan. Masarap din kausap yung mga kwelang lalaki na may sense ang sinasabi at swabe sa mga jokes at banat.

 

May Respeto sa kapwa

Wala naman sigurong babae na gugustuhin magkaroon ng bastos na boyfriend diba? Maraming babae ang hangad ay respeto at maayos na pagtrato. Yung irerespeto ka sa isip, sa salita at sa gawa. Yung lalaking alam ang boundaries  at limitations sa tuwing may pagaaway o di pagkakaintindihan. At syempre bilang babae, Hindi tamang kami ay sinasaktan pisikal man o emosyonaL. Mahalaga ang respeto at isa tong napakabigat na tungkulin ng bawat isa.

 

Maalaga

Para sakin, isa to sa mga pinaka-mahalagang katangian ng isang lalaki. Yung maliban sa mapagmahal ay maalaga dahil naniniwala ako na everything will follow. Yung tipong hindi ka papabayaan sa araw araw. Laging iniisip ang aming kapakanan,laging handang umalalay sa araw araw. At syempre dagdag pogi points yung mga sweet na lalaki. Yung tipong bawat facial expression namin ay naiintindihan na nya ang ibig sabihin.

 

May takot sa Diyos

Ano mang relihiyon meron ang isang natitipuhan naming lalaki, mahalaga na sya ay may  takot at may kinikilalang Diyos. Dahil sa haba haba ng inyong pagsasamahan, dapat lang na may nag-guide sainyong relasyon at may alituntunin kayong sinusunod ng buong puso.

 

Mapagmahal na pamilya

Ako’y naniniwala na mahalaga din na ang pinanggalingang pamilya ay maayos , may values at mapagmahal. Dahil syempre kung anong klaseng kapaligiran ang kinalakihan nya ay  kanya ding makakasanayan. Sino banamang babae ang gustong mainlove sa isang lalaki na galing sa pamilya ng mga drug lords or drug addict? Idealistically wala. Pero may iilang babae na hindi tlga mapipigilan ang puso kapag nagmahal. Kaya dapat maging wais at matalino sa pagpili ng magiging kasintahan.

 

Responsible

Maraming babae sa panahon ngayon ay pihikan sa pagpili ng kanilang kasintahan dahil sa kanilang paghahanda  sa future. Kung may listahan man kami, isa to sa mga pinaka unang katangian na gusto namin. Yung responsable, May trabaho at may pangarap. Sa henerasyon ngayon, mas maigi kung parehas kayong maggrow sa isang relasyon. Yung naghihilaan kayo pataas upang makamit ang inyong mga pangarap. Paano mo nga naman bubuhayin ang pinapangarap mong pamilya kung wala kang trabaho at tatamad tamad ka sa buhay?

 

Trustworthy

Sabi nga nila ang trust ay parang isang baso na kapag nabasag mahirap nang ibalik. Ganun din ang pagtitiwala sa isang relasyon. Karapatdapat kabang piliin dahil honest ka? At dahil mapagkakatiwalaan ka? Kaya mo bang makuntento sa iisang babae? Kaya mo bang panindigan ang mga pangako mo? Kaya mo bang aminin ang mga pagkakamali mo?  Kaya mo bang magsabi ng totoo?

 

Consistent

Maraming lalaki ngayon ay sa una lang magaling. Kaya mahirap na talagang makahanp ng isang lalaki na consistent sa mga gawain nila. Katulad nalang ng mga little surprises, constant and unconditional love, respect and care. Lahat ng aspeto nayan ay tatamaan kung ang mga lalaki ay hindi lang sa panliligaw at sa first few months magagaling.


Article written by Ma. Sarah Rose Sampelo

Facebook Comments